Hindi pa umano napapanahon para sa panukalang “vaccine pass” para payagan ang isang indibidwal na makapasok ng mga establisyimento.
Ito ang pananaw ng Metro Manila Council (MMC) kaugnay sa nasabing panukalang polisiya.
Ayon kay MMC chairman at Parañaque Mayor Edwin Olivarez, magiging unfair ito sa marami lalo’t kakaunting porsyento pa lamang ng populasyon ang nababakunahan.
Giit ni Olivarez, hanggang sa ngayon ay limitado pa rin ang suplay ng bakuna sa bansa at nagsisimula pa lamang ang tuloy-tuloy na pagbabakuna sa publiko.