Pumalo na sa kabuuang 1,159,071 ang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito’y makaraang maitala ng health department ang karagdagang 4,700 na mga bagong kaso nito.
6,986 naman ang bagong naitalang gumaling sa COVID-19 dahilan para umakyat ang kabuuang bilang nito sa 1,089,613.
19,507 naman ang bilang ng mga nasawi sa bansa makaraang makapagtala ng panibagong 136 na mga nasawi sa COVID-19.