Isinusulong ni Sen. Nancy Binay na isama sa pwedeng magturok ng bakuna kontra COVID-19 ang mga dentista at medical technologist.
Ani Binay, kailangan ngayon madagdagan ang mga healthcare professionals na tagapagbakuna para mapabilis ang vaccine rollout sa buong bansa.
Kaugnay nito, inihain ni Binay ang Senate bill number 2212 na-aamyenda sa COVID-19 vaccination program act of 2021 para mapabilang ang mga dentista at med tech sa maaaring maging vaccinator.
Sa naturang batas kasi ang mga pharmacist at midwife lang ang pinahintulutan na makatulong ng mga doktor at nurse sa COVID vaccination.
Kailangan aniyang madaliin ang vaccine roll out para hindi abutan ng expiration date ang mga bakuna at higit sa lahat ay para makamit ang target herd immunity bago matapos ang taon.
Una rito, iminungkahi naman ni Senador Richard Gordon na ikunsidera na gawing vaccinator ang mga high school graduate at college graduate. -ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)