No way!
Ito ang reaksyon ni Senator Imee Marcos sa payo ng Department Of Health (DOH) sa mga Local Government Unit (LGU) na huwag ng i-anunsyo ang brand ng bakunang ituturok para maiwasan ang nangyaring pagsisiksikan sa ilang vaccination site.
Giit ni Marcos, bawat pasyente ay may karapatan na malaman kung anong bakuna ang ituturok sa kanila, mahalaga anya na may transparency rito.
Dagdag pa ng Senadora, unang-una Emergence Use Authorization (EUA) pa lang mayroon ang mga bakuna at hindi total commercial clearance ang ibinigay ng FDA.
Kaya ang magagawa anya ng gobyerno ay ipabatid sa publiko ang benepisyo at gayundin ang posibleng panganib ng bakuna.
Ang problema umano ay may pagkukulang sa komunikasyon at kredibilidad ang DOH kaya mas pinagbabatayan ng publiko sa pagpapasya ukol sa bakuna ang nababasa sa social media.
Kailangan anya ng dagdag na impormasyon na nakabatay sa science at pahayag ng medical expert.