Ipinag-utos umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hindi pag-aanunsyo ng brand ng COVID vaccine sa mga vaccination center.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang Pangulo ang nag-utos ng naturang polisiya matapos na maobserbahan ang kawalan ng social distancing sa ilang vaccination center kung saan nagkaroon ng bakuna ng Pfizer.
Sinabi pa ni Roque na noong una pa lamang ay sinabi na ng Pangulo na hindi dapat mamili ng brand ng bakunang ituturok dahil lahat naman ito ay epektibo at ligtas.
Kahit umano ang Pangulo ay pinili ang sinopharm na mula sa China para iturok sa kaniya.