Pinayuhan ng Malakaniyang ang mga Pilipinong mangingisda na ituloy ang pangingisda sa traditional fishing grounds sa West Philippine Sea.
Kasunod na rin ito nang paghahain ng protesta ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa fishing ban na ipinatupad ng China sa South China Sea.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na andiyan naman ang Philippine Coast Guard para protektahan ang mga mangingisda.
Wala aniyang extra territorial application ang mga batas ng dayuhang bansa tulad nang ginawa ng China.