Dalawandaang (200) empleyado ng Alaska Milk Corporation ang mawawalan ng trabaho simula sa unang araw ng Hulyo.
Ipinabatid ng pamunuan ng Alaska Milk na magbabawas sila ng mga manggagawa sa kanilang planta sa San Pedro City sa laguna upang mapanatiling abot kaya ang kanilang mga produkto.
Ibinatay anito ang kanilang desisyon sa mga redundant position.
Ayon kay Maria Angela Esquivel, corporate affairs director ng Alaska Milk masakit sa kanila ang pagtanggal ng mga empleyado lalo nat mahirap din ito para sa mga mawawalan ng trabaho.
Tiniyak ni Esquivel na bibigyan nila ang mga apektadong empleyado ng support package tulad ng monthly grocery allowance, product allowance at dagdag na gratuity pay.
Bukod pa aniya ito sa isasagawa ng Alaska Corporation na job fair at employment seminar para alalayan ang mga empleyado na magkaruon ng bagong trabaho.