Hindi prayoridad ng Manila Electricity Company (Meralco) ang pagpuputol ng kuryente sa gitna ng nararanasang pandemya.
Ito ang tiniyak ni Joe Zaldarriaga, Vice President for Corporate Communications ng Meralco, at sinabing patuloy ang kanilang malasakit sa kanilang mga customer.
Ayon kay Zaldarriaga, ang naturang disconnection activities ay magiging case-to-case basis.
Pag-aaralan at makikipagtulungan aniya sila sa kanilang customer sa pagbabayad ng kanilang kuryente upang maiwasan ang pagputol ng serbisyo.
Buko dito, nanawagan na rin ang gobyerno sa mga konsyumer na may kakayahang magbayad na magbayad sa tamang oras upang masiguro na patuloy ang paghatid ng serbisyo.
Samantala, paalala ng Meralco sa mga customer na makipag-ugnayan sa social media accounts ng Meralco sa Facebook at Twitter o maaari rin tumawag sa hotline 16211 o mag-email sa customercare@meralco.com.ph.
Sa ganitong paraan, kanila aniyang matutugunan ang mga problema ng kanilang mga customer.