Binatikos ni dating senador at Armed Forces Chief Rodolfo Biazon ang posisyon ng adminstrasyong Duterte kaugnay West Philippine Sea.
Ayon kay Biazon, tila walang isang posisyon o paninindigan ang gobyerno tungkol sa mga teritoryo ng Pilipinas na pinapasok na ng China.
Ani Biazon, hindi lang ang taumbayan ang nalilito tungkol sa tunay na posisyon ng bansa hinggil sa nasabing usapin kundi maging ang mga bansang potensyal na magiging kakampi para ipagtanggol ang karapatan ng Pilipinas sa teritoryong pag-aari nito.
Iba-iba kasi aniya ang posisyon, opinyon na kaniyang naririnig mula sa iba’t-ibang political sectors, civilian organizations at maging sa pamahalaan.
Aniya kakampi natin ang maraming bansa sa labang ito kaya’t huwag sana umano nating silang lituhin o takutin, sa halip ay hayaan natin na sila ay tumulong sa labang ito.
Una rito, napaulat na namataan muli ang mga sasakyang pandagat ng China sa karagatang sakop ng Pilipinas noong Marso.