Pag-aaralan pa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang panukalang gawing kondisyon ang pagpapabakuna kontra COVID-19 para sa pagtanggap ng ayuda ng mga benepisyaryo ng 4P’s program.
Ayon kay Director Irene Dumlao, tagapagsalita ng DSWD, suportado ng ahensya ang vaccination program ng pamahalaan kaya’t sakaling magkaroon ng pagbabago sa mga programa nito ay handa silang tumugon.
Kailangan lang aniyang pag-usapan ito ng ahensya kasama ang national program management office upang mailatag ang pagbabago sa programa at higit sa lahat ay maiparating sa mga benepisyaryo ang kinakailangang impormasyon upang sila ay makapagdesisyon.
Una rito, iminungkahi ni Palace Spokesperson Harry Roque na gawing kondisyon sa pagtanggap ng ayuda para sa mga benepisyaryo ng 4P’s program ang pagbabakuna lalo aniya ngayon na marami pa rin ang nagdadalawang isip na magpaturok.