Nadagdagan ng 7,981 ang bilang ng mga narekober sa COVID-19 infection sa Pilipinas.
Dahil dito, pumalo na sa 1,103,945 ang mga survivors sa bansa o katumbas ng 93.7 percent ng kabuuang bilang ng mga naitatalang kaso mula nang magsimula ang pandemya noong nakaraang taon.
Umakyat naman sa 1,178,217 ang total cases dahil sa 6,831 na nadagdag na bagong kaso.
Sa kasalukuyan, nasa 54,326 na ang active cases.
Bunsod naman ng pagpanaw ng halos dalawang daang pasyente, sumirit na sa 19,946 ang death toll sa buong kapuluan.