Binigyang diin ng Malakanyang na walang extraterritorial application ng mga batas ang mga dayuhang bansa pagdating sa usapin ng pinag-aagawang teritoryo.
Dahil dito, sinabi ni Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque na maari paring makapangisda ang mga Filipino fisherman sa mga traditional fishing grounds ng bansa sa West Philippine Sea.
Ginawa ni Roque ang pahayag kasunod ng inihaing diplomatic protest ng dfa laban sa inisyung fishing ban ng China sa WPS.
Pahayag ng kalihim naririyan aniya ang pwersa ng Philippine Coast Guard (PCG) upang siguruhin ang kaligtasan at interes ng mga Pilipinong mangingisda.