Inulan ng reklamo sa social media mula sa mga dismayadong customer ang umano’y hindi magandang serbisyo ng DITO Telecommunity.
Ang post ng DITO sa Facebook na nag-aanunsiyo sa pop-up shops sa buong Metro Manila kung saan maaaring makabili ng SIM cards ay umani ng mga negatibong reactions mula sa mga netizen at user.
Ang mga negatibong reaksiyon ay nakatuon sa umano’y ‘superly bad’ service ng Dito, SIM cards na hindi compatible sa ibang phones, unstable signal, slow o erratic internet speed at iba pa.
Inireklamo naman ng iba ang umano’y overpriced SIM cards at poor customer service.
“After 2 days still no answer!,” pahayag ng isang galit na customer, na sinabing nag-order siya ng SIM ngunit nabigong matanggap ito pagkalipas ng ilang araw.
“I wanna feed back, Your network service right now Is superly bad, The netwrok isn’t stable It vanishes then comes back again. Wtf is wrong? It happened for like 7x now,” daing ng isa pang customer.
“Super bad talaga sa aking observation simula ng pag bili ko hindi ako na satisfied sa network ng DITO, The service here in Calamba City Laguna (Paciano area) is so slow. , you are not transparent, when we order you sent us a random number but there’s a lot of seller in shoppee and lazada selling special numbers or vanity numbers, so maybe one of your workers or employees separate this number to sell it for the higher price,” ang ilan pa sa mga reklamo ng netizens.
“Here in Santo Tomas, Davao del Norre, DITO signal is not stable; alao sometimes 4 mbps or
7 mhps… it’s disappointing pls fix this so we can enjoy your promo,” bahagi ng reklamo na ipinost ng isang Vane D.
Nauna nang inamin ng isang mataas na opisyal ng DITO Telecommunity na ‘inferior’ ang serbisyo nito sa Globe Telecom at Smart Telecommunications.
Ang pag-amin ay ginawa dalawang buwan makaraang ilunsad ang DITO sa bansa.