Muling inihayag ng Department of Health (DOH) na hindi dapat matakot sa COVID-19 vaccines ang mga taong may human immunodeficiency virus (HIV).
Ngunit nilinaw ni DOH spokesperson Maria Rosario Vergeire na dapat kumuha muna sila ng clearance sa kanilang mga doktor.
Tiniyak din ni Vergeire na pangangalagaan ang privacy ng mga ‘persons with HIV’.
Batay naman sa datos ng ahensya, nasa 855 na ang HIV positive sa Pilipinas.