Umakyat na sa 4,097,425 doses ng COVID-19 vaccines ang naipamahagi ng pamahalaan.
Ito ang ipinagmalaki ng National Task Force against COVID-19 ilang araw matapos lumabas ang survey ng Social Weather Stations (SWS) na nagsasaad na tumaas ang kumpiyansa ng publiko sa evaluation ng gobyerno sa bakuna kontra coronavirus.
Ayon sa task force, nasa 949,939 Filipinos na ang ‘fully vaccinated’ habang 3,147,486 naman ang nakatanggap ng first dose ng bakuna.
Pahayag naman ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., mahalagang mapanatili ang ganitong momentum upang maabot ng bansa ang herd immunity.