Kasado na ang lockdown sa 12 barangay sa Bacarra, Ilocos Norte bunsod ng patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases sa lugar.
Ayon sa Bacarra LGU, epektibo ang modified enhanced community quarantine (MECQ) simula bukas, Mayo 24.
Matatandaang ikinaalarma ng mga residente ang pagdami ng kaso sa kanilang bayan matapos makapagtala ng ‘zero cases’ sa loob ng ilang buwan.
Nabatid na nasa 110 na ang aktibong kaso sa Bacarra mula sa 430 active cases sa buong lalawigan ng Ilocos Norte.