Umalma ang mga grupo ng mga kabataan sa isinusulong na flexible learning bilang ‘new normal’ ng Commission on Higher Education (CHED).
Sinabi ng National Union of Students of the Philippines na lalong magpapalala sa financial, mental at emotional na paghihirap ng mga estudyante ang nasabing hakbang ng CHED at nananatili pa ring epektibo ang face-to-face classes.
Kapabayaan sa sektor ng edukasyon naman kung ituring ng Kabataan party-list group ang nasabing pasya ng CHED na pagpapatupad ng flexible learning na pinaghalong online at offline na paraan.