Umaayos na ang sitwasyon sa National Capital Region (NCR) at itinuturing na itong moderate-risk area mula sa high-risk area kaugnay sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Professor Guido David, fellow ng OCTA Research group, bumaba sa halos 1,100 ang bagong COVID-19 cases sa Metro Manila kada araw sa nakalipas na isang linggo at nasa 10% ang positivity rate.
Sinabi ni David na nasa .57 na lamang ang reproduction rate sa NCR kung saan limang lungsod ang kabilang sa top 10 cities na nakapagtala ng mataas na kaso ng COVID-19 at lima naman sa labas ng NCR Plus.
Binigyang diin ni David na positibo ang mga indikasyong ito at inaasahan na ang mas maluwag na sitwasyon subalit hindi pa aniya nila irerekomenda ang pagluluwag ng restrictions sa mga panahong ito.