Nagpaalala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga pulitiko na huwag gamitin ang bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa pasimpleng pangangampanya para sa darating na eleksyon sa 2022.
Iginiit ni DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya na pondo mula sa gobyerno ang ipinangbili sa mga COVID-19 vaccine.
Kaya naman ipinagbabawal aniya ang paglalagay ng pangalan, logo, imahe o sinumang pulitiko na nagbabalak-tumakbo o kumandidato alinsunod na rin ito sa general appropriations act.
Una rito, tiniyak rin ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi magagamit ang vaccination drive ng sinuman para sa kanilang pansariling interes.