Pinatitiyak ng isang human rights group ang kooperasyon ng Philippine National Police (PNP) kaugnay sa imbestigasyon ng kampanya kontra ilegal na droga ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa Human Rights Watch, kung talaga anilang seryoso ang bagong talagang hepe ng PNP na si General Guillermo Eleazar, dapat na magkaroon ng konkretong hakbang ang pulisya upang panagutin ang mga mapatutunayang abusadong opisyal hinggil sa naturang kampanya.
Dagdag pa ng HRW, kinakitaan din nila ng mga pagbabago ang PNP na senyales anila ng improvement o pagbuti sa kanilang hanay.
Samantala, ikinatuwa rin ng HRW ang naging pahayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra kung saan pinahintulutan ng PNP ang Department of Justice na magkaroon ng access sa 61 na mga kasong may kinalaman sa drug war.