Isinusulong ni Senate President Vicente Sotto III ang pagkakaroon ng bagong ahensyang mag-aatas sa Philippine National Police (PNP) para tutukan ang mga drug buy-bust operation.
Ito ay para maiwasan aniya ang mga misencounter gaya ng nangyari sa pagitan ng PNP at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Quezon City noon kung saan apat ang nasawi.
Ayon kay Sotto, dapat ay ipaubaya na lamang sa PNP ang pagsasagawa ng drug buy-bust operation.
Ani Sotto, ang Presidential Drug Enforcement Authority ang mangangasiwa ng drug bust operation ngunit hindi naman sila mismo ang kailangan magsagawa nito.
Magugunitang binuksan nitong Lunes ng senate public order and dangerous drug committee ang imbestigasyon kaugnay sa nangyaring misencounter sa pagitan ng PDEA at PNP noong Pebrero.