Halos 30 indibidwal ang tinambakan ng kaso ng NBI kaugnay sa ratratan ng mga tauhan ng QCPD at PDEA sa parking lot ng isang fastfood chain sa Commonwealth avenue sa Quezon City nuong Pebrero.
Kabilang sa mga isinampang kaso laban sa mga sangkot sa nasabing engkuwentro ay homicide, frustrated homicide, graft, obstruction of justice, falsification of documents, grave misconduct at robbery.
Ang mga kinasuhan batay sa rekomendasyon ng nbi ncr matapos kunan ng testimonya ang halos 100 katao ay pitong PDEA agents, limang John Does at 17 opertiba ng QCPD.
Sakop lamang ng NBI-NCR report ang mga kaso nang pagkamatay nina Police Corporal Eric Elvin Garado, Corporal Lauro De Guzman at PDEA agent Rankin Gano.
Isinalang din sa examination ng NBI forensic team ang walong mahahabang baril at 15 pistola mula sa PDEA at 35 pistola at isang rifle sa PNP bukod pa sa cross matching examination sa 29 fired bullet, 176 cartridge, 35 metallic fragments at mahigit limandaang bala.