Ipinapatupad ng mga alkalde ng National Capital Region (NCR) ang pagkakaroon ng express lanes sa mga vaccination sites para sa mga nasa A4 category o essential workers.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos Jr., sang-ayon ang mga alkalde na agad ipatupad ang panukalang ito.
Dagdag ni Abalos, kailangang iprayoridad na maturukan ang mga nasa A4 categories maging ang mga manggagawa sa bansa.
Bukod dito, dapat aniyang mabigyan ng express lanes ang mga medical workers, senior citizen at yung mga may co-morbidities.
Samantala, hindi naman aniya kabilang sa A4 categories ang mga mangagagawang nasa work from home scheme.