Maaaring matukoy ang community transmission ng COVID-19 Indian variant sa loob ng isang buwan matapos ma-detect ito sa Pilipinas.
Ito ay ayon kay OCTA research Professor Guido David, makikita pa lamang kung nagkaroon ng community transmission sa mga susunod na araw o buwan o kung may pagtaas ng bilang ng kaso sa bansa.
Dahil dito, nagpaalala muli si David sa publiko na hindi dapat maging kampante dahil posibleng magkaroon ng surge ng variant sa bansa anumang oras.
Samantala, inirerekomenda ng OCTA group sa pamahalaan na panatatilihin ang general community quarantine (GCQ) sa NCR plus sa pagpasok ng buwan ng Hunyo.
Ipinabatid ni David na ang paghihigpit ng gobyerno sa mga quarantine restriction ay para maiwasan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 at matulungan ang pag-angat ng ekonomiya sa bansa.