Kabilang sa makakatanggap ng bakuna mula sa Estados Unidos ang Pilipinas.
Ito ang kinumpirma ni Philippine Ambassador to US Jose Manuel Romualdez matapos makatanggap ng tawag mula sa white house at sinabing isinama ang bansa na mabibigyan ng bakuna kontra COVID-19.
Ang naturang bakuna ay posibleng gawa mula sa kumpanyang Astrazeneca at Moderna.
Samantala, inaasahang darating ang mga bakuna sa Pilipinas sa mga susunod na mga buwan ng kasalukuyang taon.
Una nang sinabi ni US President Joe Biden na mamamahagi ng mga bakuna kontra COVID-19 sa mga mahihirap na bansa upang tuluyan nang masugpo ang COVID-19 sa buong mundo.