Mahigit 1,000 overstaying at illegal Pinoy sa Hong Kong ang babakunahan kontra COVID-19 sa Hulyo.
Ang mga nasabing Pinoy ayon sa Hong Kong government ay kabilang sa libo-libong illegal immigrants at refugees na tuturukan ng COVID-19 vaccine.
Sinasabing hindi ganun kataas ang demand ng Sinovac at Pfizer vaccines sa mga residente ng Hong Kong kaya’t inialok ng gobyerno ang pagbakuna sa illegal immigrants at refugees.
Ang mga nasabing bakuna ay mag-e-expire na sa Agosto.