Binatikos ng isang opisyal ng PDP Laban si Presidential Spokesman Harry Roque.
Ito ay matapos ihayag ni Roque na inatasan ng Pangulong Rodrigo Duterte si Energy Secreary Alfonso Cusi bilang vice chair ng partido na ituloy ang national assembly ng ruling party.
Ayon kay PDP Laban National Executive Director Ronwald Munsayac, malinaw sa by laws ng partido na tanging ang chairman sa katauhan ng Pangulong Duterte sa pakikipag-ugnayan sa party president na si Senador Manny Pacquiao ang maaaring magpatawag ng national council o assembly.
Sinabi ni Munsayac na sakali mang may basbas ng pangulo ang ipinapatawag na pulong, nagtataka aniya siyang hindi siya nakatanggap ng formal communication.
Una nang naglabas ng memorandum si Pacquiao bilang paghimok sa mga ka partido na huwag makiisa sa national assembly na isinusulong ni Cusi.