Inaasahang matatanggap na ng Pilipinas ang nasa 90 Military Trucks na binili nito sa bansang Russia sa loob ng 6 na buwan.
Ito’y bilang karagdagang kagamitan ng Armed Forces of the Philippines o AFP para gamitin sa Combat Operations, Disaster Reponse maging sa Humanitarian Assistance.
Ayon kay Defense Spokesman Dir. Arsenio Andolong, gawa ng kumpaniyang URAL ng Russia ang mga nasabing trak kung saan, aabot sa P324-M ang halaga.
Una rito, inaprubahan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang Truck Troop Carrier Light Project na bahagi ng AFP modernization program nuong huling bahagi ng nakalipas na taon.