Pinapayagan pa rin ang pagsasagawa ng remote hearings ngayong nagpapatuloy ang banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Sang-ayon sa kautusang inilabas ni Chief Justice Alexander Gesmundo, inaatasan nito ang mga hukom sa first at second level courts na magsagawa ng full remote videoconferencing hearing hanggang hindi pa natatapos ang pandemya dulot ng virus.
Mababatid na ang first level courts ay binubuo ng Metropolitan trial courts, municipal trial courts, at municipal circuit trial courts.
Habang ang regional trial courts naman ay sakop na ng second level courts.
Kasunod nito, paliwanag ni Court Administrator Midas Marquez na ang naturang hakbang bilang pag-iingat sa kalusugan ng mga tauhan ng mga korte sa bansa.