Umabot sa higit 5K mga bagong kaso ng COVID-19 ang naitala ng health department.
Sa datos na inilabas ng ahensya, ito ang dahilan ng paglobo pa sa 1,235,467 ng kabuuang bilang ng mga dinadapuan ng COVID-19.
Sa naturang bilang, 53, 203 sa mga ito ang nananatiling aktibo sa virus.
1,161,252 naman na ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa COVID-19, makaraang maitala ang 6,230 na mga bagong gumaling dito.
Sa kaparehong datos, pumalo na sa 20,012 ang kabuuang bilang ng mga nasasawi sa COVID-19 makaraang maitala ang 46 na mga bagong nasawi sa virus.