Ipinag-utos na ng Sandiganbayan Second Division ang suspensyon ni Marinduque Governor Carmencita Reyes.
Ito ay kaugnay ng kasong graft at malversation na isinampa laban kay Reyes kaugnay ng pagkakasangkot sa P728 milyong pisong fertilizer fund scam noong 2004.
Dahil dito, inatasan na ang Department of Interior and Local Government o DILG na ipatupad ang suspension order laban kay Reyes.
By Ralph Obina