Nagpaabot ng pasasalamat ang liderato ng kamara matapos na makalusot sa kapulungan ang proposed Bayanihan to arise as One Act o Bayanihan 3.
Ito’y ayon kay House Speaker Lord Allan Velasco, dahil sa pagkakataong ito ay isinantabi ng bawat miyembro ng kapulungan ang kani-kanilang partido sa pulitika para magkaisang tugunan ang pangangailan ng publiko lalo sa mapanghamong panahon dahil sa COVID-19 pandemic.
Mababatid na ang 401 billion peso lifeline measures na nakapaloob sa naturang panukala ay tulong at magsisiguro na mabibigyan ng direct emergency assistance at ilan pang ayuda ang mga Pilipino.
Maging ang pagkakaroon ng stable access sa murang pagkain at health services sa bansa.
Kasunod nito, ibinida rin ni Velasco na sa ilalim ng Bayanihan 3 ay inilaan ang P216 bilyon para dalawang sigwada ng P2,000 cash aid sa higit 100 milyong mga Pilipino.