Hindi pa nakakapagpasya si Vice President Leni Robredo sa political plan nito para sa 2022 national elections.
Subalit ipinabatid ni Robredo na tanging sigurado siya na mananatili siya sa public service, halal man o itinalaga.
Inamin naman ni Robredo na kinikilala niya ang panawagan ng supporters na tumakbo siya sa mas mataas na posisyon sa 2022.
Magiging hamon aniya sa kanya ang pag kumbinsi sa mga tao hinggil sa nagawa ng kanyang opisina dahil hindi naman lahat ay lumalabas sa media.
Isa si Robredo sa napupusuang kandidato ng opposition coalition na 1sambayan para sa pagka pangulo sa 2022.