Sumiklab ang sunog sa Starmall EDSA-Shaw sa lungsod ng Mandaluyong ngayong umaga ng Miyerkules.
Nagsimula umano ang sunog sa mga stalls o tiangge na naka-puwesto malapit sa parking lot ng mall.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas-6:42 kaninang umaga nang sumiklab ang sunog.
Umabot naman ito sa unang alarma bago ito tuluyang naapula dakong alas-6:50 ng umaga.
TINGNAN: Tiangge section ng STAR Mall sa Shaw Boulevard sa Mandaluyong City, nasunog | via @jaymarkdagala pic.twitter.com/NPKwtw9BxN
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) June 2, 2021
Sa ngayon ay iniimbestigahan pa ng mga otoridad ang naging sanhi ng sunog.