Pansamantalang ipinasara ng Jollibee ang isa sa kanilang branch sa Bonifacio Global City (BGC).
Ito ay kasunod ng nag-viral na tweet kung saan nabatid na ang nai-serve sa isang customer na fried chicken ay isa palang piniritong tuwalya o towel.
Dahil dito, ipinasara ng Jollibee Foods Corporation ang nasabing branch sa loob ng tatlong araw, kung saan ipinabatid din naman ng Jollibee na labis nilang ikinababahala ang naturang insidente at nakatakda silang magsagawa ng malalimang imbestigasyon.
Nabatid na posibleng mag multa ng P100,000 multa ang isang kumpanya, o negosyo sa ilalim ng food safety act at maari itong maharap sa isang buwang suspensyon para sa unang paglabag.