Inaprubahan na ng COMELEC ang kahilingan ng Department of Education na itaas ang compensation pay para sa mga guro na magsisilbing electoral board at poll watchers sa 2022 national elections.
Nagpasalamat naman si Education Secretary Leonor Briones sa go signal ng COMELEC sa request nilang maitaas ang compensation pay para sa mga guro.
Una nang inihayag ni COMELEC Chairman Sheriff Abas na suportado ng komisyon ang dagdag na hanggang P3,000 honoraria para sa mga guro.
Una nang isinulong ng DEPED ang honoraria rates base sa consumer price index at inflation rate nitong January 2021.
Kabilang dito ang P9,000 para sa Chairpersons, P8,000 para sa EB members, P7,000 para sa Education Supervisor official at P5,0000 para sa support staff.
Bukod dito, idadagdag ng COMELEC ang provision para sa gastusin sa transportasyon, pagkain, water allowance at clean up at repair/maintenance bilang bahagi ng kanilang budget proposal para sa 2022 elections.
Dahil sa pandemya, hiniling din ng DEPED ang health insurance coverage para sa mga dadapuan ng COVID-19 para mapasama sa panukalang budget para sa eleksyon sa susunod na taon.