Ang Bagyong Dante ay kumikilos sa direksyong pa-hilaga ng West Philippine Sea kanluran ng Ilocos Norte.
Sa pinakahuling bulletin ang sentro ng Bagyong Dante ay pinakahuling namataan sa layong 260 kilometers kanluran hilagang kanluran ng Sinait, Ilocos Sur o 250 kilometers kanluran hilagang kanluran ng Laoag City, Ilocos Norte.
Taglay ng bagyong dante ang pinakamalakas na hanging umaabot sa 65 kilometers kada oras malapit sa gitna at may pagbugso na umaabot sa 80 kilometers kada oras.
Ang Bagyong Dante ay kumikilos pa hilaga sa bilis na 20 kilometro kada oras.
Ayon pa sa PAGASA ang Bagyong Dante ay dadaan o magla-landfall sa vicinity ng southern Taiwan mamayang gabi at posibleng mapanatili ang lakas nito hanggang makapag landfall ito o lumapit sa southern portion ng Taiwan.