Inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mas maigsing quarantine period para sa mga bakunadong indibidwal.
Batay sa bagong alituntunin ng IATF, maaaring pumasok at lumabas ng bansa ang mga ‘fully vaccinated individuals’ kung saan isasalang lamang ang mga ito sa pitong araw na facility-based quarantine.
Samantala, pinapayuhan naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang mga nabakunahan nang Pinoy na dalhin ang kanilang vaccination card sa kanilang pagbiyahe.
Maliban dito, isasalang din sa swab o RT-PCR testing ang isang bakunadong biyahero kapag nakitaan ito ng mga sintomas ng COVID-19 habang naka-quarantine.