Pumalo na sa 1,173,006 ang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa Pilipinas.
Ito’y makaraang makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 2,382 na bagong recoveries.
Batay sa COVID-19 bulletin, nagkaroon naman ng 7,450 ng bagong kaso dahilan upang sumampa sa 1,255,337 ang bilang ng mga tinamaan ng impeksiyon.
Samantala, sumirit naman sa 21,537 ang death toll kasunod ng pagpanaw ng 181 coronavirus patients.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 7,450 ngayong Biyernes, ika-3 ng June.
Pumalo na sa kabuuang 1,255,337 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 60,794 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/2ItPYf7k1i
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) June 4, 2021