Ibinabala ng isang grupo ng mga private schools na marami pang magsasarang eskwelahan.
Ito’y bunsod ng ipinalabas na bagong regulasyon ng Bureau of Internal Revenue o BIR na nagpapataw ng higit dobleng buwis sa mga ito.
Ayon kay Atty. Joseph Noel Estrada, managing director ng Coordinating Council of Private Educational Associations of the Philippines, dahil sa bagong Revenue Regulation ng BIR ay aakyat sa 10 hanggang 25 percent ang tax rate sa proprietary educational institutions.
Giit ni Estrada, kung itutuloy ito ng ahensya ay maraming maaapektuhang paaralan at mapipilitang magsara.