Nasagip ng mga awtoridad ang limang tinedyer habang arestado naman ang dalawang indibidwal sa magkakahiwalay na operasyon laban sa online sexual exploitation sa Mandaluyong City at Taguig City.
Ayon sa Philippine National Police Women and Children Protection Center (WCPC), ang unang operasyon ay ikinasa matapos makatanggap ng impormasyon mula sa Anti-Trafficking in Person division kaya’t na-rescue ang mga menor de edad.
Sa tulong naman ng Australian Federal Police (AFP), United Kingdom National Crime Agency, International Justice Mission at Taguig City Police Station ay naisagawa ang isa pang entrapment operation sa Bonifacio Global City.
Ayon kay WCPC Chief Brig. Gen. Alessandro Abella, ginagamit umano ang mga tinedyer sa livestream o online sexual abuse at napapanood ng mga parukyano sa labas ng bansa.