Tinatayang 40% na mas nakahahawa ang Delta variant ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), kumpara sa Alpha variant na syang dahilan umano ng pagsirit ng kaso ng virus sa UK.
Gayunman, ayon sa health minister ng UK, pantay pa rin ang proteksyong matatanggap ng mga mababakunahan ng dalawang dose ng bakuna laban sa alinman sa mga nabanggit na variant.
Batay din sa tala ng Public Health England, ang Delta variant, o mas kilala rin bilang India variant, ang sya na ngayong dominanteng strain ng COVID-19 sa UK.
Magugunitang napilitang magpatupad ng lockdown ang UK noong Enero dahil sa Alpha variant, o dating mas kilala bilang UK variant.