Umakyat na sa 132 ang bilang ng mga nasawi sa paglusob ng isang grupo ng mga armadong lalaki sa isang village sa Burkina Faso.
Ayon sa mga awtoridad, pinasok ng mga salarin ang Solhan Village sa Yagha province kung saan bukod sa pinagpapatay ang mga sibilyan ay sinunog din ng mga ito ang mga bahay at palengke sa lugar.
Sinasabing ito na ang pinamadugong pag-atake sa kasaysayan sa kanilang bansa.
Wala pang umaakong grupo sa pag-atake ngunit nagbanta ang pangulo ng Burkina Faso na Roch Marc Christian Kabore na tutugisin ng gobyerno at papanagutin ang mga salarin.
Nagdeklara na ng 72 oras na “national mourning” sa nasabing bansa.