Inilarga na ang “symbolic rollout” ng COVID-19 vaccine para sa mga essential workers o mga kabilang sa A4 priority group ngayong araw.
Sa pangunguna ni Joey Concepcion, presidential adviser on entrepreneurship, isinagawa ang ceremony sa Mall of Asia Arena.
Ayon kay Concepcion, idinaos ang pledging ceremony para magkaroon ng simbolo ang pagtutulungan ng mga lokal na pamahalaan at pribadong sektor para mabilis na maisagawa ang pagbabakuna kontra COVID-19 ng publiko.
Ani Concepcion, handa na sila sa programang ito ngunit dahil sa kakulangan sa bakuna ay hindi naiiwasan ang pagkaantala.
Una nang nakabili ang pribadong sektor ng 1.17 million na AstraZeneca COVID-19 vaccines na nakatakdang dumating sa Hulyo.
TINGNAN: Pagpapabakuna sa mga nasa A4 priority group sinimulan na sa pangunguna ni DOH Sec. Francisco Duque III na siyang mismo nagbakuna sa mga ito. pic.twitter.com/MOLwA2905E
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) June 7, 2021