Target ng pamahalaan na mabakunahan ang tinatayang 12-milyong essential workers na kabilang sa A4 priority group sa mga lugar na sakop ng NCR plus 8.
Batay sa datos ng DOH, sinabi ni Usec. Maria Rosario Vergeire na buong bansa ay may kabuuang 22-milyong essential workers na kinakailangang maturukan ng bakuna laban sa virus.
Kasunod ng pagsisimula ng vaccination program sa A4 priority group, ilan sa mga sumusunod na lugar ang pwede nang magbakuna ng naturang sektor: NCR, Cavite, Laguna, Rizal, Bulacan, Pampanga, Batagas, Cebu City at Davao City.
Giit ni Vergeire na ito’y dahil nakadepende pa rin sa suplay ng bakuna kontra virus ang tagumpay naman ng pagtuturok nito sa mga essential workers.