Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang local government units (LGUs) na hikayatin ang mga indibidwal na hindi pa natuturukan ng second dose ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine.
Kindly help us ferret out persons who have not received the booster until now,” ani Pangulong Duterte.
Sinabi ng pangulo sa kanyang ulat sa bayan kagabi, na kailangan kumpletuhin ng mga indibidwal na naturukan ng unang dose ng bakuna ang kanilang second dose upang maging safe ang mga ito.
Bukod dito, nakiusap si Pangulong Duterte sa mga naturukan ng unang dose ng COVID-19 vaccine na maglaan ng oras at panahon para maturukan ng pangalawang dose ng bakuna.
Sa kabila nito, nilinaw ni Duterte na walang garantiya na hindi na muling madadapuan ng nakakahawang virus ang mga nakapagbakuna na ng COVID-19 vaccine.
Although it would give you a measure of protection, it does not guarantee you will not get COVID again. In spite of your vaccine, please observe the basic protocols,” ani Pangulong Duterte.