Kasado na ang isasagawang pagdinig ng Senate Committee on Energy kaugnay ng mga nararanasang rotational brownout bunsot ng kakulangan sa suplay ng kuryente sa Luzon grid.
Ayon kay Sen. Sherwin Gatchalian, chairman ng komite, kabilang sa kaniyang ipinatawag ay sina Energy Secretary Alfonso Cusi, Energy Regulatory Commission (ERC) Chair Agnes Devanadera at iba pa.
Itinakda ang pagdinig sa Huwebes, ika-10 ng Hunyo, ganap na ika-10 ng umaga kung saan, kahapon pa lamang ayon sa senador ay napadalhan na ng imbitasyon ang mga nabanggit na opisyal.
Inimbitahan din sa pagdinig ang mga opisyal ng National Power Corporation, National Electrification Administration, National Grid Corporation Oof the Philippines at Philippine Electricity Market Corp..
Kasama rin sa mga ipinatawag sa pagdinig ang Meralco, gayundin ang Department of Justice.