Inaasahang makababalik na sa kani-kanilang mga tahanan ang mga bakwit o mga residenteng naapektuhan ng may limang buwang bakbakan sa Marawi City noong 2017.
Ito’y ayon sa Lanao Del Sur People’s Council dahil sa mabilis na progreso ng ginagawang rehabilitasyon sa lungsod matapos ang madugong Marawi siege.
Ayon kay Padoman Paporo, pangulo ng grupo, naitayo na rin ang public utilities sa lungsod mula nang gawing full blast ang rehabilitasyon nito noong Hulyo ng isang taon.
Dahil dito, malaki ang pagpapasalamat ni Paporo kay Pangulog Rodrigo Duterte, gayundin sa 56 na ahensya ng pamahalaan na nagtutulungan upang mapabilis ang pagbangon ng lungsod.