Winelcome ng pribadong sektor ang vaccine roll out ng gobyerno sa mga kabilang sa A4 category o Economic frontliners.
Binigyang diin ni Guillermo Luz, Task Force T3 proponent at Chief Resilience Officer ng Philippine Disaster Resilience Foundation na malaking tulong sa pribadong sektor ang pagbabakuna sa A4 category para sa pagbubukas muli ng mga negosyo.
Nagpapasalamat aniya sila sa gobyerno sa pagbabakuna sa A4 sector na malaking factor para ligtas na buksan ang ekonomiya.
Pinuri rin ng Task Force T3 si vaccine Czar Carlito Galvez, Jr. sa pagtiyak ng matatag na supply ng COVID- 19 vaccines.