Pumapalo sa 8.7% ang unemployment rate o mga Pilipinong walang trabaho para sa buwan ng Abril.
Katumbas ito ayon kay PSA Undersecretary Dennis Mapa ng 4.14 milyong Pinoy o may edad 15 pataas.
Ipinabatid ni Mapa na ang National Capital Region (NCR) ang nakapagtala ng pinakamataas na porsyento ng mga walang trabaho na nasa 14.4%, ikalawa ang region 2 o Cagayan valley, sumunod ang Region 3 – Central Luzon, Region 4a -CALABARZON at region 7 o Central Visayas habang ang Zamboanga peninsula naman ang nakapagtala ng pinakamababang unemployment rate sa 3.3%.
Sinabi ni mapa na ang unemployment rate sa buwan ng Abril ay mas mababa pa rin ang nasabing bilang kung ihahambing nuong unang ipinatupad ang lockdown, marso ng taong 2020 na nasa 17. 6%.
Samantala, nananatili sa 91. 3% ang employment rate o nasa 43. 27 milyon nitong Abril 2021 na kapareho rin nang naitala noong Enero kumpara sa 82. 4% noong Abril 2020.
Nasa 17.2% o tinatayang 7.45 milyon ang mga underemployed nitong Abril.